CLICK HERE FOR FREE BLOG LAYOUTS, LINK BUTTONS AND MORE! »

December 10, 2010

Working Mom: Sick Children and Work




Almost 1 month narin akong di nakapag trabaho dahil sa meron mga sakit ang dalawa kong maliliit na anak. Meron nag sasabi na mabuti nalang at sabay silang nagka sakit dahil kapag iisa lang ang merong sakit at ma confined sa hospital mas mahihirapan daw ako dahil ako lang ang mag isang nag aasikaso sa mga anak ko...di tulad ng iba na meron silang kasamang magulang nila at nakakatulong sa pag babantay or pag aalaga ng anak nilang me sakit.

Ang hirap ng nagkakasakit ang mga anak lalo na kapag nag tratrabaho ka sobrang stress ang nararamdaman mo... pero wala tayong magagawa kailangan talagang unahin natin ang ating mga anak.

Dito pa naman sa lugar namin napaka hirap mag hanap ng work lalo na kapag babae ka.Buti nalang at nagkaroon ng available job malapit dito sa amin at natanggap ako agad.Sinabi ko agad sa kanila na meron akong dalawang maliliit, okey! lang daw basta wag lang mahaba ang day off ko. Kaya grabe ang takot ko dahil umabot sa 1 month ang pag day off ko sa aking trabaho.

Pero di ako tumitigil sa pakikipag communicate sa Boss ko everyday lagi akong natawag sa kanila at ibina balita ko sa kanila ang lagay ng mga anak ko. Buti nalang at isang ina rin ang Boss ko at na iintindihan nya ang lagay ng isang ina na worker katulad ko.

Katatawag ko lang ulit ngayon umaga at nag sabi ako na magaling na ang mga anak ko at pwede na akong bumalik ulit sa trabaho. Napaka bait talaga ng aking among babae dahil sobra sobra ang pag unawa nya sa akin...siguro kung iba ang boss ko baka matagal na akong na tanggal sa work dahil sa sobrang sakitin ng mga anak ko.

Kaya nag papasalamat ako ng marami kay Lord at di nya ako pinapabayaan sinasabi ko sa kanya talaga na kailangan ko ang trabaho ko ngayon dahil malaking tulong sa anak kong mag Senior High School dito sa japan at nagpapadala rin kami ng konting tulong sa mga kamag anak na nasa pilipinas.

Walang imposible kay Lord basta maganda ang iyong hangarin pakikingan ka nya sa lahat ng hiling mo.

0 comments:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...