“Whenever I see girls and boys selling lanterns on the streets
I remember the Child in the manger as He sleeps
Wherever there are people, giving gifts, exchanging cards
I believe that Christmas is truly in their hearts…”
Kapag naririnig ko ang pamaskong awit na ito, maraming alaala mula sa mga Paskong nagdaan sa aking buhay ang nananariwa sa aking isipan. Totoo na maraming awit na pamasko at maraming bagay ang makapagpapaalaala sa atin sa Pasko gaya ng makukulay na parol, mga kumukuti-kutitap na ilaw ng christmas tree at ng mapanghalinang sipol at amoy ng nilulutong puto-bumbong. Pero ang awit na ito ni Jose Mari Chan tungkol sa mga bata ang naghahatid sa akin sa mga alaala ng isang Paskong hindi mabubura sa aking isipan at kikipkipin sa aking puso hanggang sa kabilang-buhay. Ito ang Pasko ng aking kabataan, ang panahon ng paglalaro at laruan, ng sigla at kapilyuhan. Ito ang panahon ng kamusmusan, ng kalinisan ng pag-iisip at ng tunay at walang dungis na pagmamahal.
Sa Pasay City kami nakatira noon. Nasa grade 5 ako at nasa grade 3 naman ang kapatid kong sumunod sa akin at ang bunso namin ay grade 1, wala pa ang kapatid namin kambal noon. Mahilig magluto si Mommy at nag cacatering din siya lalo na kapag merong mga bisitang galing ibang bansa ang mga friends nya siya lagi ang tinatawag. Nasa tapat ng simbahan ng San Roque ang aming bahay sa Cabrera st., kaya tanaw namin ang lahat ng tao pag nag sisimba lalo na ang Simbang gabi napakasaya namin dahil kita namin ang ibat ibang ilaw ng simbahan at sari-saring pagkain na paninda.

Tradisyon na ng pamilya ang magdiwang ng noche buena tuwing Pasko. Gumigising talaga kaming lahat pagsapit ng alas-dose ng gabi upang pagsaluhan ang napakasarap na pagkaing inihanda ni Mommy. Tsampyon talaga siyang magluto, tyampion yata sa cooking ang mommy ko. Masaya naming ipinagdiriwang ang pagsilang ni Hesus.
Ay naku, talaga namang kahit mumukat-mukat at mamuta-muta pa kami ay masisigla kaming nagsalu-salo nang noche buenang iyon. Gaya ng dati, nawala agad ang aking antok dahil sa mapanggising na amoy at lasa ng pagkaing nakaparada sa mesa—ispagheting napapalamutian ng maraming meatballs, chicken macaroni salad na namumutiktik sa mga himaymay ng manok, orange chiffon cake na nangingintab sa makapal na butter icing, hamon na pinaniningning ng honey syrup, fruit salad na nakukulayan ng ubas, pinya at mansanas, cheese sandwich na pinamumula ng pimiento at umuusok na tsokolateng maraming-maraming Milo. Haaay, tsalap-tsalap talaga.

Pagkakain, buong pananabik naming tatlong magkakapatid na tinungo ang Christmas tree upang kunin at buksan ang regalo ni Mommy para sa bawat isa sa amin kaya naiwan na naman siya sa kusina para maghimpil at maghugas ng aming mga kinainan. Matagal din naming inasam-asam na mabuksan ang mga regalong iyon na araw-araw naming hinihimas-himas, kinakalug-kalog, pinagtitimbang-tmbang at hinuhulaan kung ano ang laman.
Habang nagpapakaligaya kami sa natanggap naming regalo, nagrereklamo naman si Mommy sa kusina—”Sus, talaga kayong mga bata kayo, matapos kayong mapalamon e lalayasan na lamang ninyo ako. Ni Hindi man lamang ninyo ako matulungang magligpit ng kinainan, ako pa ang paghuhugasin ninyo ng mga pinggan, huhummm…Ay naku, wala na palang tubig na panghugas! Mamayang umaga na lang ako mag-iigib sa poso. Mamaya na lang ang mga pinggang iyan.” Well iyan po ang aking mommy super maingay sa loob ng bahay pero ang ingay na iyan ang nagpapasaya sa aming tahanan, mga paalaala nya, sermon doon sermon dito. Pag wala ang ingay nayan super lungkot ng aming tahanan.

Kapirasong Papel
Naisip ko na lahat kami me mga regalo galing sa aking mommy pero siya! hindi manlang namin na alaala na bigyan ng regalo. Napaawa ako sa aking mommy kaya napag-usapan naming magkakapatid na kami nalang ang maghuhugas at maglilinis ng buong bahay at kusina. Natulog na si mommy ko,- pero kaming tatlong magkakapatid ehh... kunyari lang na nagtulog-tulugan para makapag linis kami ng buong bahay. Habang tulog ang mommy namin ehh,.. kami naman ang naglinis ng buong bahay! lahat malinis na malinis kusina, salas at derty kichen ect.
Tumitilaok na ang mga manok ng aming kapit bahay ng magising ang aking mommy at lumabas na siya sa kanyang kwarto, ako lang sa aming tatlong magkakapatid ang hindi na natulog dahil gusto kong makita ang mukha ng aking ina kung gaano siya kasaya sa aming ginawa. Gulat na gulat ang aking ina. Tanong nya agad sino ang gumawa nito?! wala naman dito ang katulong natin! umuwi naba siya?! Nakita ng mommy ko na nakaupo ako sa salas namin at napangiti siya, parang nahulaan na nya kung sino ang naglinis ng buong bahay namin at sabay niyakap niya ako ng mahigpit. Sinabi ko sa kanya na pinag tulungan naming tatlong magkakapatid ang paglilinis ng buong bahay.
Niyakap ako ng aking ina at nagpasalamat siya sa akin.- Niyakap ko rin siya at sinabi ko sa kanya na "maligayang pasko mommy" pasensya na kayo wala manlang kaming naibigay sa inyong regalo, kundi ang kapirasong papel na ito!. Gumawa kami ng x'mas card at ang ginamit naming papel ay yung white paper, wala na kaming oras pa para makabili pa sa labas ng x'mas card. Tuwang tuwa ang mommy ko sa ginawa namin lalo na sa ibinigay naming x'mas card. Akala daw nya ehh... nakalimutan na namin siya!. Masaya ang aking ina kahit ano ang ibigay mo sa kanya, kahit kapirasong papel lang ito!, lagi nyang ipinag mamalaki sa mga kaibigan nya ang mga bigay namin sa kanya na letter or kahit na anong bagay na galing sa aming magkakapatid.
Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng isang ina kapag nabibigyan ng kahit kapirasong papel letter galing sa kanyang mga anak, naramdaman ko narin ang pakiramdam ng mommy ko ng inaabot ko sa kanya ang card na ginawa naming tatlong mag-kakapatid, dahil sa mga anak ko naman ngayon ang gumagawa sa akin ng dati kong ginagawa sa aking ina. Meron man o walang okasyon mabigyan kalang ng simpleng bagay galing sa ating mahal sa buhay, ito ay nagiging isang napaka gandang alaala at napakahalaga na sa ating buhay.

“Let’s sing Merry Christmas
and a Happy Holiday
this season may we never forget
the love we have for Jesus.
Let Him be the one to guide us
as another New Year starts
and may the spirit of Christmas
be always in our hearts…
and a Happy Holiday
this season may we never forget
the love we have for Jesus.
Let Him be the one to guide us
as another New Year starts
and may the spirit of Christmas
be always in our hearts…
0 comments:
Post a Comment